Nagsimula na ang training ni 8th Division World Champion Manny Pacquiao sa Autralia.
Sinimulan ito ni Pacquiao sa pamamagitan ng 6.5 kilometrong pagtakbo kaninang umaga.
Tinapos ng Pambansang Kamao ang pagtakbo nito sa loob ng mahigit tatlumpung (30) minuto.
Matapos nito ay naka-iskedyul din si Pacquiao sa sparring sessions nito laban sa Australian boxer na si George Kambosos.
Ang bakbakang Manny Pacquiao at Jeff Horn na tinaguriang Battle of Brisbane ay gaganapin sa Suncorp Stadium sa Hulyo 2.
By Ralph Obina