Bubuksan na ang National Museum of the Philippines o ang Museo Pambansa sa Maynila.
Ito’y matapos ang halos isang taong pagkakasara dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Jeremy Barnes, director general ng museo, limitado pa rin ang operating hours kung saan bubuksan ang mga museo mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali para sa morning session habang magsisimula naman ang afternoon session ng ala 1:00 hanggang alas 4:00.
Kasama sa magbubukas ang National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology at National Museum of Natural History.
Nananatiling sarado naman ang national planetarium na bahagi rin ng national museum.
Tiniyak naman ni Barnes na mahigpit na ipatutupad sa mga museo ang mga health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield.