Isang temporary exhibition ang ilulunsad ng National Museum of the Philippines kung saan ibibida ang mga artworks ng mga endemic at native species ng mga halaman at hayop.
Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng museo ng Biodiversity Day at National Heritage month, na may temang “Natural Heritage in Focus: the Philippine Flora and Fauna Art Exhibition.”
Inilunsad ang nasabing proyekto sa pakikipagtulungan sa Philippine Botanical Art Society (PHILBAS) at Philippine Fauna Art Society (PHILFAS).
Ang National Museum of Natural History ay bubuksan sa publiko simula bukas, May 24 hanggang September 25.