Inilunsad na rin sa Mindanao ang ‘’Pambansang Pabahay Para Sa Pilipino: Zero ISF 2028” program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pinangunahan ni Department of Human Settlements and Urban Development Assistant secretary Daryll Villanueva at Iligan City Mayor Frederick Siao ang groundbreaking ceremony sa Iligan City.
Inilaan sa 480 pamilya sa Bay Vista Village, paitan, Brgy. Dalipuga ang naturang housing project.
Tinatayang aabot sa mahigit 6 na milyong pamilya ang mabibigyan ng pabahay sa loob ng anim na taon.
Una na ring sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na inaasahang makapagbibigay ng 1.7 – M trabaho sa mga pilipino kada taon ang naturang programa.