Suportado ng mga Local Government Units (LGUs) ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng pamahalaan.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Usec. Avelino Tolentino III, 43 LGUs ang pumirma sa Memorandum of Understandings(MOU) bilang pagsang-ayon at pagpapakita ng suporta sa layunin ng Marcos Administration na mabigyan ng libreng pabahay ang milyung-milyong mahihirap na Pilipino sa bansa.
Matatandaang pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang groundbreaking ceremony sa Palayan City, Nueva Ecija bilang bahagi ng programa ng pamahalaan na maabot ang isang milyong housing kada taon.
Kumpiyansa naman si PBBM, na mabubuo ang anim na milyong housing sa loob ng anim na taon sa tulong narin ng mga ahensya ng gobyerno.