Pinalawig ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang ‘Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino Housing Program sa Region 12′.
Kabilang sa mga pumirma ng Memorandum of Understanding (MOU) ang General Santos City, Koronadal City, Polomolok sa South Cotabato, Tacurong City sa Sultan Kudarat at Probinsya ng South Cotabato.
Ayon sa DHSUD Undersecretary Samuel Young, mas maganda ang konsepto ng programang ito para matulungan ang mga pamilyang informal settler kabilang ang mga katutubo sa Region 12.
Layunin ng ahensya na magtayo ng isang milyong bahay taun-taon sa susunod na anim na taon upang matugunan ang pabahay sa bansa.
Samantala, batay sa datos, aabot sa 148,253 informal settler na pamilya sa Region 12 noong July 2022. —sa panulat ni Jenn Patrolla