Nananatili sa active defense mode ang pambansang pulisya kasunod ng pagbuhay peace talks ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Philippine National Police o PNP Spokesman, Senior Supt. Dionardo Carlos, nangangahulugan ito na nakahanda ang pambansang pulisya na protektahan ang urban centers, komunidad, mahahalagang imprastraktura, public property at ang mga sibiliyan laban sa anumang possibleng banta ng NPA.
Magpapatuloy anya ang pagpapatupad ng pnp sa judicial process at kautusan ng korte laban sa mga rebelde.
Iginiit ni Carlos na bagaman welcome sa PNP ang pagbabalik ng usapang pang-kapayapaan, hindi naman hahayaan ng pambansang pulisya na makompromiso ang kaligtasan ng publiko at ang internal security ng bansa.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal