Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa ito sa muling pag-arangkada ng face-to-face classes sa bansa.
Ayon kay PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., suportado ng PNP ang Department of Education (DepEd) para bantayan ang pagbabalik-eskwela sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic.
Maliban aniya sa 100% implementation ng in-person classes, tututukan din ng pnp ang mga pampublikong lugar.
Samantala, may nakahanda na ring security plan ang PNP at inaasahang makikipagpulong ito sa mga paaralan at iba pang mga stakeholder upang plantsahin ito. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)