Sa harap ng banta ng terorismo sa iba’t ibang panig ng mundo, nanawagan si Senador Grace Poe sa National Security Council na gumawa ng bagong national security strategy.
Iginiit ni Poe na napapanahon na para tutukan ng Pilipinas ang mga isyung may kaugnayan sa pambansang seguridad.
Pinuna rin ni Poe na mula noong 2010, hindi pa nagpupulong ang National Security Council.
Binigyang-diin ng senadora na maiibsan ang takot ng publiko kung ang polisiya ng bansa ay nakatuon sa pambansang interes at pagprotekta sa pambansang teritoryo at soberenya.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)