Nabigo ang pambato ng Pilipinas sa Judo competition sa Rio Olympics na si Kodo Nakano sa unang round ng 81 kgs.
Natalo si Nakano kay Matteo Marconcini ng Italy.
Matatandaang naging pahabol na pambato ng bansa si Nakano sa Olympics.
Naging bronze medalist ang 23-anyos na Filipino-Japanese noong 2013 Southeast Asian Judo Championship at kumatawan din sa World Championships sa parehas na taon.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Toshifumi Kitamura/AFP