Nasungkit ng mga mag-aaral ng City of San Jose Del Monte, Bulacan ang Platinum Award o first place para sa Asian Student Exchange Program (ASEP) 2024 competition na may temang “Net zero green lifestyle” sa Kaohsiung, Taiwan.
Kinilala ang mga mahuhusay na mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralan sa bansa na sina Giru Lauzon, Genevieve Velasco, at Kean Magno na nagwagi sa kompetisyon.
Ang kanilang research paper na may pamagat na “Refashioning Change: The Consumer Revolution Program,” na isang revolutionary consumer program na naglalayong palakasin ang pagyakap ng mga indibidwal sa sustainable habits para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Mensahe ng tatlo sa iba pang mga kapwa mag-aaral, huwag matakot sumubok sumali sa mga ganitong klaseng kompetisyon dahil naiibang karanasan anila ito, lalo na pagdating sa pakikisalamuha sa ibang lahi.
Congratulations Genevieve, Kean, at Giru! – Sa panulat ni Jeraline Doinog