Kinoronahan bilang Miss Supermodel Worldwide 2022 ang pambato ng Pilipinas na si Alexandra Mae Rosales.
Sa Instagram stories ni Alexandra, proud nitong ibinahagi ang kanyang korona at nagpasalamat sa Miss Supermodel Worldwide Organization para sa tiwalang ibinigay nito sa kanya.
Idinaos ang grand finale ng competition noong Sabado sa Miracle Resort sa Jaipur, India.
Hinirang naman bilang runners-up ang mga kandidata mula sa Netherlands, Indonesia, France, at Kazakhstan.