Wagi ang pambato ng Pilipinas sa Mrs. Tourism Universe 2021.
Nilampaso ni Hemilyn Escudero-Tamayo ang 30 pang kandidata sa idinaos na virtual Mrs. Tourism Universe Pageant.
Bukod sa titulo bilang Mrs Tourism Universe, nakuha rin ni Tamayo ang ilang special awards tulad ng Best in Talent, Best in Speech, Best in YouTube views at most viewed mother sa Facebok.
Nagpasalamat naman si Tamayo sa mga Pilipino at sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang asawa na nagsilbing emotional at financial supporter niya.