Bigo ang pambato ng Pilipinas na si Janicel Lubina na masungkit ang korona sa 2015 Miss International Pageant na ginanap sa Japan.
Gayunman, pasok naman si Lubina sa Top 10 at itinanghal din na Best in Evening Gown.
Sa naturang pageant, itinanghal na 2015 Miss International ang pambato ng Venezuela na si Edymar Martinez.
Itinanghal na 1st runner up si Miss Honduras, Miss Kenya ang 2nd runner-up, napunta naman sa Miss Vietnam ang 3rd runner-up habang nasungkit ni Miss USA ang 4th runner-up.
By Meann Tanbio