Tila babawi si Carlos Yulo sa pag depensa niya sa kanyang titulo sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championship sa Kitakyushu, Japan sa susunod na linggo.
Pursigido si Yulo na makuha pa rin ang Gold Medal sa floor exercise na una niyang napanalunan sa 2019 edition sa Stuttgart, Germany kung saan siya ang kauna-unahang Pilipinong nakakuha ng nasabing titulo.
Ang nasabing event na gagawin mula Oktubre 19 at 20 ay pagkakataon para bumawi sa kanyang no medal finish sa Summer Games.