Nagpahayag ng mariing pagkondena ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa panibagong pambubully ng Chinese Coast Guard supply boat ng Pilipinas sa patungong Ayungin Shoal na magdadala sana ng suplay para sa BRP Sierra Madre.
Kung saan hinarang at ginamitan ng Chinese Coast Guard (CCG) ng water cannon ang naturang supply boat ng Pilipinas, dahilan upang hindi madala ang mga naturang suplay lulan ng barko.
Sa inilabas na pahayag ng afp, iginiit nito na paglabag sa international law ang nasabing hakbang partikular sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) pati na rin sa 2016 Arbitral Award.
Habang nanawagan naman si PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa Chinese Coast Guard na igalang ang Sovereign Rights ng Pilipinas at iwasang hadlangan ang kalayaan sa paglalayag.