Ang kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral ay malaking patunay na nananatili ang banta ng terorismo sa Mindanao.
Ito ang iginiit ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida bilang pag-depensa sa extension ng martial law declaration sa Mindanao sa isinagawang oral argument sa Korte Suprema.
Sinabi ni Calida na pinalakas lamang ng nasabing insidente ang aniya’y factual basis nila para palawigin pa sa ikatlong pagkakataon ang pagpapatupad ng batas militar sa mindanao hanggang sa December 2019.
Sinuportahan naman ni AFP Deputy Chief for Intelligence Major General Pablo Lorenzo ang nasabing pahayag ni Calida matapos bigyang diin na ang naturang pag-atake ay malinaw na ebidensya para matutukan ang kaligtasan ng publiko.
Gayunman, kinontra ni Congressman Edcel Lagman ang mga nasabing argumento at sinabing hindi dapat gamiting basehan para sa martial law extension ang nangyaring pagsabog sa Jolo dahil itinuturing itong kagagawan ng terorista.
Inilatag din ni Calida sa high tribunal ang report ng AFP hinggil sa bilang ng mga aktibong miyembro ng mga teroristang grupo tulad ng Abu Sayyaf, BIFF, Maguid Group at Turaifie Group.