Kinondena ng United Nations maging ng Amerika ang ginawang pag-atake sa 5 medical facility at dalawang paaralan sa Syria.
Dahil sa pag-atake, ibinasura na ni Syrian President Bashar Al –Assad ang ceasefire na nakatakda na sanang ipatupad ngayong linggo.
Tinatayang 50 katao kasama ang mga bata sa nasawi sa nangyaring pag-atake sa probinsya ng Aleppo at Idlip.
Hinala naman ng Amerika posibleng Russia ang siyang nasa likod ng naturang marahas na pagkilos.
By Rianne Briones