Dinoble ng Russia ang biyahe ng kanilang warplanes para bombahin ang mga hinihinalang kuta ng IS o Islamic State sa Syria.
Ayon kay Russian Defense Minister Sergei Shoigu, 127 sorties ang nakalatag sa kanilang plano para sa mahigit 200 terrorist targets sa Syria.
Nagpasya ang Russia na paigtingin pa ang airstrikes laban sa Syria makaraang makumpirma na isang terror attack ang pagbagsak ng Russian passenger plane na bumagsak sa Egypt noong nakaraang buwan.
By Len Aguirre