Mariing pinabulaanan ng Liberal Party (LP) ang akusasyon ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr na gumagastos sila ng P50 million para atakihin at i-bully siya sa social media.
Ayon kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan, Pangulo ng LP, walang basehan at walang katotohanan ang naturang akusasyon.
Aniya, kung mayroon silang ganoong kalaking pera ay malamang na gastusin nila para maparami ang kanilang television ads.
Una nang sinabi ni Revilla na binu–bully na siya ng LP anim na taon na ang nakalipas at hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang kampanya para siya ay pabagsakin.