Dismayado ang mga taga-suporta ni presidential aspirant Bongbong Marcos dahil umano sa pamemeke sa Facebook ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa ritrato ng libu-libong supporters na dumalo sa ‘unity ride’ noong linggo ng umaga sa Abra.
Iginiit ng Marcos supporters na pinalitan ng mga tauhan ni Robredo ang larawan ng mga taga-suporta ni BBM na pawang nakapula at nagtipun-tipon sa Don Mariano Marcos bridge, ikatlo sa pinakamahabang tulay sa bansa, na nasa Kalinga road, langalilang.
Ang naturang larawan ay pinost ng taga-suporta ni Abra Rep. JB Bernos at Abranian Riders’ alliance na pinamumunuan ni Joel Lingbaon.
Pinalabas anilang kulay pink ang suot ng mga BBM Supporter na nasa larawan, nilagyan ng Leni logo at ipinost Facebook sa ilalim ng hashtag laban Leni 2022, Ilocos.
Gayunman, itinanggi ng kampo ni Robredo camp ang paratang at nanindigang hindi na sila ang nasa likod ng nasabing viral photo.