Inakusahan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamilya Aquino na nagpasimuno ng sinasabing Marcos money scam.
Ayon kay Marcos, wala namang ibang maninira sa kanila kundi mga Aquino na tiyak na may kinalaman sa naganap na pulong ng libu-libong biktima umano ng Martial Law sa University of the Philippines, Los Baños, Laguna.
Magugunita noong Setyembre 23 nang dagsain ng libu-libo katao ang UPLB sa pag-aakalang makatatanggap ng pera mula umano sa Marcos-ill gotten wealth.
Ang nabanggit na event ay pinangunahan ng Bullion Buyer Limited at One Social Family Credit Cooperative.
Gayunman, itinanggi ni Atty. Abigail Valte, Spokesperson ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang alegasyon ng dating Senador.
—-