Tiniyak ng Malacañang na walang magaganap na whitewash sa kaso ng pagpatay sa 19 anyos na dating University of the Philippines student na si Carl Angelo Arnaiz matapos makipagbarilan umano sa mga miyembro ng Caloocan City Police.
Sa harap na rin ito ng pangamba ng pamilya Arnaiz na mauwi sa wala ang kaso.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, makaaasa ang pamilya Arnaiz ng patas na imbestigasyon kaugnay sa tunay na nangyari sa biktima at titiyaking magiging masusi ang gagawing pagsilip sa kaso ng pagpatay at mananagot aniya ang responsable sa krimen.
Matapos ang kontrobersiya sa pagkamatay ni Kian Loyd Delos Santos ay sumunod naman ang kaso ng pagpatay kay Carl Arnaiz na ang itinuturong responsable ay miyembro rin ng Caloocan City Police.
By Drew Nacino / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE