Umaasa ang pamilya Batocabe na makapagpalabas na ng warrant of arrest ang korte laban kay Daraga, Albay Mayos Carlwyn Baldo.
Ito’y matapos maghain ng patung-patong na kaso ang Department of Justice (DOJ) laban kay Baldo kaugnay sa pagkakapatay kay Congressman Rodel Batocabe.
Sinabi ni Justin Batocabe, anak ng pinaslang na congressman, na sana ay maging matapang ang mga husgado sa lalawigan ng albay kagaya ng pulisya at piskal ng Camarines Sur na nakabuo kaagad ng kaso at isinampa sa Legazpi Regional Trial Court (RTC) laban kay Mayor Baldo.
Atty Justin Batocabe umaasa na agad na maglalabas ng warrant of arrest ang korte para makulong at malitis agad si Mayor Carlwin Baldo ang suspect sa pagpatay sa kanyang ama na si Cong.Rodel Batocabe @dwiz882 pic.twitter.com/lqX5yBCaCS
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) April 5, 2019
Pinakamahalaga aniya ang warrant of arrest upang agad nang maikulong ang naturang alkalde at upang umusad na ang kaso.