Nirerespeto ng pamilya ng UST law freshman at hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III ang desisyon ng Korte Suprema na palayain na ang presidente ng Aegis Juris fraternity na si Arvin Balag na nasa kustodiya ng Senado.
Ayon kay Ginoong Horacio Casillo Jr., ama ni Atio, bagama’t umasa silang mas tumagal pa sana ang pagkakakulong ni Balag sa Senado, kailangan nilang sundin ang batas.
Kasabay nito, nangako si Ginoong Castillo na hindi sila titigil na lumaban para makamit ang katarungan sa pagkamatay ng kanyang anak.
Matatandaang si Balag ay isinailalim sa kustodiya ng Senado noong Oktubre 18 matapos ilang beses na tumangging sumagot sa pagdinig ng Senate Public Order Committee.
Noong Huwebes naman nang isilbi sa Senate Sergeant at Arms ang ipinalabas na resolusyon ng Korte Suprema na nag-aatas na palayin na si Balag.
Samantala, hindi isusuko ng Senado ang karapatan nito at pag – usapan ang kalayaan ni Arvin Balag sa tamang panahon.
Binigyang – diin ito ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, bagamat inire-respeto ang kautusan ng Korte Suprema na palayain si Balag na nasa custody ng Senado.
Iginiit ni Lacson na hindi pa lusot si Balag na isinasangkot sa pagpatay kay UST law freshman na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
sen lacson on the release of hazing suspect Arvin Balag @dwiz882 pic.twitter.com/wQTxnVQuWO
— cely bueno (@blcb) December 22, 2017