Tumanggi pang mag – komento ang pamilya Castillo kaugnay sa release order na inilabas ng DOJ o Department of Justice sa itinuturong na pangunahing suspek sa pagkamatay ni Horacio ‘Atio’ Castillo III na si John Paul Solano.
Ayon sa pamilya, nais muna nilang magkaroon ng pribadong oras matapos ilibing ang kanilang kaanak.
Samantala, sinabi ng pamilya Castillo na welcome development sa kaso ng pagkamatay ni Atio ang paglutang ng isa pang miyembro ng Aegis Juris fraternity.
Kahapon, nagtungo sa MPD o Manila Police District si Jason Robinios, isa sa mga opisyal ng nasabing fraternity para sumuko at linisin ang pangalan nito.