Pinag-aaralan na ng Pamilya Delos Santos ang mga kasong isasampa laban kay NCRPO Chief Police Major General Debold Sinas matapos silang tangkaing palayasin sa kanilang tinitirhan sa Fort Bonifacio sa Taguig City.
Ayon kay Arles Delos Santos kumukunsulta na sila sa kanilang abogado para kasuhan ng trespassing, harassment, threats at grave misconduct si sinas at ilang pulis na bitbit nito nang lumusob sa kanilang bahay para itaboy sila.
Sinabi ni Delos Santos na kahit ipinakita na niya ang lahat ng mga dokumentong magpapatunay na sila na ang may ari ng nasabing bahay ay sinigawan pa siya ni sinas at tinangka siya aniyang sapakin ng isang pulis nang makitang kinukuhanan nila ng video ang pagsugod ng tropa NG NCRPO.
Samantala pina iimbestigahan na ng pnp ang nasabing insidente.