Nagkaruon na ng peace of mind ang pamilya Gregorio matapos mahatulan ang pulis na pumatay sa kanilang kaanak nuong isang taon.
Ayon kay Mark Christian Gregorio, masaya ang buong pamilya nila sa hatol na double life imprisonment kay Jonel Nuezca na pumatay sa ina niya niyang si Sonia at kapatid na si Frank Anthony.
Sinabi ni Gregorio na napatawad na nila si Nuezca subalit kailangang pagdusahan nito ang ginawang krimen.