Nararapat lamang mag public apology ang pamilya Marcos para sa lahat ng mga biktima nuong panahon ng Martial Law.
Ito ang pahayag ni dating Pangulong Fidel Ramos matapos ang naging desiyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Ramos, para ipakita ang sinseridad ng pamilya Marcos ay dapat na mag sorry ang mga ito para sa mga pag-abusong nangyari nuong rehimen ng dating Pangulong Marcos.
Iginiit ni Ramos na dapat ding isauli ng Pamilya Marcos ang nakaw na yaman ng mga ito para mapakinabangan ng publiko.
Kasabay nito, nagpahayag din ng pagkadismaya si Ramos sa naging desisyon ng Korte Suprema.
Sinabi ni Ramos na mistulang nabalewala ang mga ipinaglaban ng taumbayan nuong panahon ng 1986 EDSA people power revolution.
By Ralph Obina