Kakasuhan ng pamilya Marcos ang rappler.com.
Bunga ito ng anila’y mapanira at kasinungalingang balita tungkol sa pag-upa ‘di umano ng pamilya Marcos sa isang British political data analysis firm para baguhin ang imahe ng pamilya Marcos.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni dating Senador Bongbong Marcos, pawang kasinungalingan at misleading ang naging panayam at artikulo ng rappler kay Brittany Kaiser, dating director ng Cambridge analytica na nagmistulang whistleblower.
Una nang ibinunyag ni Kaiser na inupahan sila ng mga Marcos noong 2016 elections upang baguhin ang imahe ng pamilya lalo na sa dating senador.
Historial revisionism aniya na maituturing ang kanilang ginawa subalit data driven at ginamitan ng siyensa.