Nananatili ang kumpiyansa ng pamilya Marcos na si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang siyang tunay na nagwagi sa nagdaang vice presidential race noong 2016.
Ayon iyan kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos kaya’t wala aniyang dahilan upang sumabak muli sa pagka-senador ang kaniyang nakababatang kapatid tulad ng panawagan ng iilan.
Bagama’t aminado si Imee na naiinip at naiirita na sila dahil sa nakabinbing resolusyon ng Presidential Electoral Tribunal o PET hinggil sa inihaing protesta wala naman aniya silang ibang magagawa kung kaawaan ang kapatid sa mga pinagdaraanan nito.
Pero sa kabila niyan, sinabi ni Governor Imee na kahit na nababagalan sila sa pag-usad ng protesta, nananatiling positibo naman aniya ang kaniyang kapatid at wala aniya itong balak na sumabak muli sa eleksyon.
—-