Patuloy na umaasa ang pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na maihihimlay pa rin ang kanilang haligi sa libingan ng mga bayani
Ayon kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, hangad nilang mabuksan ang isip ng mga mahistrado ng Korte Suprema para sa ganap na paghilom ng bansa
Magugunitang pinalawig ng Korte Suprema ang status quo ante order para sa paghihimlay sa dating Pangulo kasunod ng mga petisyong ihinain para harangin ito
Una nang inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang igagalang kung anuman ang maging pasya ng high tribunal sa kabila ng kaniyang kagustuhan
Una rito, nilinaw ni Gov. Marcos na ang kaniyang ina na si Ilocos 2nd Rep. Imelda Marcos ang nagnais na maihimlay ang kanilang ama sa libingan ng mga bayani katabi ng mga naging kapwa nito sundalo
By: Jaymark Dagala