Dumulog sa NBI Anti Organized Crime Division ang pamilya ng 2 negosyanteng kinidnap.
Ayon kay Susan Labonete, asawa ng isa sa mga biktima na si Engineer Ivan Labonete, nagpahatid ang kanyang mister sa Shopwise Commonwealth noong Enero 19, subalit hindi na niya ito muli pang nakita.
Ayon kay NBI Agent Aldrin Mercader, kanilang ikinukunsidera ang posibilidad na kidnapping ang kaso, matapos makita na nagkaroon ng tatlong withdrawals mula sa bank account ng biktima.
Sinabi ni Mercader na nakuha mula sa bank account ng biktima ang kabuuang P27,700 pesos, na winithdraw mula sa mga branch ng Metrobank sa Binangonan at sa Angono.
By Katrina Valle