Nagpapasaklolo na sa gobyerno ang pamilya ng dalawang OFW na nagtatrabaho bilang mangingisda na naaresto sa boundary ng Saudi Arabia at Eritrea.
Kinilala ang mga pinoy na sina Eduardo Gabriel at Ariel Quintana.
Ayon kay Annalyn Quintana, ikatlong araw ng pangingisda ng kanilang mga mister nang bigla umanong lapitan ang mga ito ng isang naval vessel.
Hindi naman anya ang kanyang mister ang hinahabol kundi ang kasamahan nila na nasa pampang.
Nangangamba na rin si Ginang Lilibeth Gabriel dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita at nabalitaan din nilang pinatutubos ang kanilang mga mister sa halagang P1.3 milyon.
Samantala, tiniyak naman ni Labor Attache Roel Martin ng Philippine Overseas Labor Office sa Jeddah na aaksyunan nila agad ang panawagan ng pamilya ng mga nawawalang OFW.—sa panulat ni Drew Nacino