Nagpasaklolo na sa gobyerno ang pamilya ng dalawang real estate agents na nawawala simula noong Disyembre.
Kinilala ang mga nawawala na sina Paul John Ferolino, 33 anyos at Rodelio Larena, 30 anyos.
Ayon kay Ralph Larena, kapwa nasa Batangas ang kapatid niyang si Rodelio at Ferolino upang makipag-kita sa isang potential client hinggil sa mga unit na kanilang ibinebenta sa naturang lugar.
Gayunman, natagpuang abandonado ang kanilang mga sasakyan sa Taal-Lemery Junction noong December 14.
Dahil dito, dumulog na ang pamilya nina Larena at Ferolino sa Philippine National Police (PNP) at plano ring magpasaklolo sa National Bureau of Investigation (NBI).