Nabigyan na ng tig-P1-milyon ang pamilya ng 26 na health care workers na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa natitira pang anim na pamilyang nakatakdang bigyan pa ng P1-milyon, apat pa ang nag-aayos ng mga kinakailangang dokumento.
Samantalang nasa labas ng bansa aniya ang dalawa pang pamilya bagamat kinakausap na nila ang kaanak ng mga ito sa bansa na maaaring tumanggap ng tseke para sa kanila.
Sinabi pa ni Vergeire na 10 naman mula sa paunang listahan ng 42 healthcare workers na kinukunsidera na severe COVID-19 cases ay nakatanggap na ng tig-P100,000 ayuda.
Una nang itinakda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-9 ng Hunyo ang deadline sa pamamahagi ng death at sickness benefits para sa mga health care workers na naapektuhan ng COVID-19.