Itinanggi ng pamilya ni dating Senador at 2016 presidential candidate Miriam Santiago na nasa intensive care unit ito ng Saint Luke’s Medical Center sa Global city, Taguig.
Ayon kay Richelle Santiago, manugang ng Senador, nasa regular room lamang ito ng nabanggit na ospital.
Sumailalim anya sa serye ng blood transfusion ang kanilang ina nang ma-confine ito simula noong Agosto.
Umaapela naman ng panalangin sa publiko ang pamilya ni Santiago.
By: Drew Nacino