Nagsampa ng kaso ang pamilya ng isang nasawing Filipino-American sa Antioch, California matapos igapos ng pulis.
Ayon sa abogado ng pamilya ng biktimang si Angelo Quinto, inireklamo nila ang siyudad ng Antioch at ang kanilang kapulisan.
Anila, naniniwala sila na mali ang ginawang pagpatay ng mga pulis kay Angelo at talagang nagdulot ito ng trahedya sa kanilang pamilya dahil hindi ito anila kailangan na maganap.
Noong Disyembre 23, 2020, tumawag sa tahanan ng mga Quinto ang awtoridad nang si Angelo ay dumaranas ng mental health episode. Pero ayon sa reklamo, dinaganan ng isang pulis ang leeg ng biktima nang halos limang minuto habang ang iba naman ay tinali ang kanyang hita.
Tatlong araw matapos ang insidente ay pumanaw si Angelo. Ayon pa sa legal team ng pamilya, walang nakitang anumang bakas ng droga sa katawan ng biktima nang sumailalaim ito sa autopsy.
Kinondena rin nila ang pag-depensa ng hepe ng Antioch police sa ginawa ng kanyang tauhan.—sa panulat ni Rex Espiritu