Dismayado ang anak ni Reynaldo Momay sa naging desisyon ng Quezon City Trial Court branch 221 na i- acquit ang mga akusado kaugnay sa kaso ng kanyang ama dahil sa reasobale doubt.
The pain now is still the same, walang nagbago doon, nandoon pa rin yung sakit. Yung intensity ng sakit na nad,” ani Maria Fe Castillo sa panayam ng DWIZ.
Si Reynaldo Momay ay ang itinuturing na ika–58 na biktima sa Ampatuan massacre case nuong Nobyembre 2009.
Ayon kay Maria Reyna Fe Castillo na kasalukuyang nasa Amerika, ang problema ay hindi nakita ang katawan ng kanyang ama kaya hindi mapatunayan na kabilang nga ito sa mga napaslang.
Isinisi ni Castillo sa gobyerno ang naging handling sa crime scene kaya naman hindi ito nakita.
Samantala, desidido si Castillo na ituloy ang laban para makamit ang katarungan para sa kanyang ama.