Nilinaw ng Dept of Health na hindi na kailangang i-quarantine ang pamilya ng lalakeng nagpositibo sa novel coronavirus sa Hong Kong na narito ngayon sa Pilipinas.
Ayon kay Health Usec Eric Domingo, spokesman ng DOH, wala namang may sakit sa apat na kaanak ng Chinese national kayat hindi na sila kailangang i-quarantine.
Gayunman, upang makatiyak, regular anyang tatawagan ng mga tauhan ng DOH epidemiology ang mag anak upang kumustahin.
Una rito, wala rin sa mga nakasakay ng mag anak sa Cebu Pacific ang nagpakita ng anumang sintomas ng coronavirus partikular ng 2019-NCov.