Patuloy na umaasa ang mga pamilya ng biktima ng Maguindanao massacre na makakamit pa rin nila ang hustisya para sa kanilang pinatay na kaanak.
Sa Lunes kasi, Nobyembre 23 ay gugunitain ang ika-6 na taong anibersaryo ng masaker.
Sinabi ni Emily Lopez, Pangulo ng Justice Now Movement na hanggang sa ngayon ay positibo sila na mahahatulan ang mga Ampatuan bago aniya bumaba sa puwesto si Pangulong Noynoy Aquino sa susunod na taon.
Nanindigan si Lopez na hindi dapat hinihiling ang hustisya para sa kanilang nasawing mahal sa buhay, kundi ipinaglalaban.
By Allan Francisco