Binigyan ng tig-P5,000 ang pamilya ng may 746 na mga Pulis sa lalawigan ng Cagayan na apektado rin ng nagdaang Bagyong Ulysses.
Ito’y ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Debold Sinas ay bilang panimula sa kanilang buhay matapos masalanta ng mapaminsalang kalamidad.
Sa kaniyang talumpati sa kaniyang kauna-unahang flag raising ceremony sa Kampo Crame, sinabi ni Sinas na agad tinulungan ang pamilya ng mga nabanggit na Pulis mula sa Cagayan upang makapagtrabaho pa rin sila sa panahon ng kalamidad.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang Search and Retrival Operations sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa naturang lalawigan.
Kasalukuyan aniyang nakakalat ang 2 helicopter ng PNP, 11 rubber boats mula sa Maritime Group, 2 pulutong (platoon) mula sa Special Action Force o SAF, 3 ambulansya at 5 truck.
Bagama’t puspusan ang kanilang hakbang upang masagip ang lahat ng mga istranded sa mga kabahayan dulot ng baha, sinabi ni Sinas na kanila pa ring sinusunod ang lahat ng minimum health protocols dahil sa COVID 19 pandemic. -–ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)