Magkakahalong emosyon ang naramdaman ng anak ng taong nakapulot kay Senador Grace Poe sa resulta ng kanilang DNA test.
Sa isang panayam, sinabi ni Imelda Hofilena, anak ni Edgardo Militar na nakahinga siya ng maluwag matapos mag-negatibo ang DNA test nila ni Poe dahil mabubura na ang mga haka-haka na anak sa labas ng kanyang ama si Poe.
Gayunman, nalulungkot rin aniya siya para kay Poe dahil bigo pa rin itong mahanapan ang kanyang pamilya.
Ang ama ni Imelda ang nakapulot kay Poe sa isang simbahan sa Iloilo City.
Lumaki rin siya sa piling ng pamilya militar hanggang sa ampunin siya ng mag-asawang Fernando Poe at Susan Roces noong siya’y 5-taong gulang na.
By Len Aguirre