Iginiit ng pamilya ng napatay na Filipino-German sa inilunsad na drug raid ng Philippine Drug Enforcement Agency 7 sa Cebu City na hindi buy bust operation ang nangyari.
Inihayag ng kapatid ng biktimang si Rene Christopher Scholtis, sapilitang pinasok ng mga otoridad ang kanilang bahay sa Sun Valley Subdivision sa V. Rama Street, Barangay Calamba, Cebu City nang walang search warrant.
Matatandaang higit 15 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu at kalibre 45 baril ang nasamsam mula sa nasabing operasyon kung saan nadakip sina Charize Dionzon, Eduardo Ramos, at Meralyn Monreal.
By: Avee Devierte