Nakapaghatid na ng tulong at pakikiramay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ni Jeanalyn Villavende, ang Overseas Filipino Worker (OFW) na hinihinalang pinatay ng kanyang babaeng employer sa Kuwait.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, bago pa mag-bagong taon ay nagtungo na sya sa Nuralla, South Cotabato upang makausap ang pamilya ni Jeanalyn.
Tiniyak ni Cacdac na matatanggap ng pamilya ni Jeanalyn ang mga benepisyong naaayon para sa kanila.
Patuloy namang inaayos ang pag-uwi ng labi ni Jeanalyn.
Meron talaga tayong kasunduan na poprotektahan nila ang mga OFWs natin doon [sa Kuwait],” ani Cacdac. — sa panayam ng Ratsada Balita