Blangko pa rin hanggang ngayon ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa tunay na dahilan ng pagkawala ni Fr. Leoben Peregrino .
Ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo, hinihintay pa ng Rosario Municipal Police Station ang go signal mula sa sa Diocese of Imus upang makausap ang pari.
Batid naman aniya ng mga Pulis ang traumang tinamo ng Pari kaya’t hahayaan muna nila itong makapagpagaling at maging handa upang makapagbigay ng kaniyang panig hinggil sa insidente.
Magugunitang natagpuang hinang-hina at nakagapos si Fr. Peregrino sa loob ng kaniyang sasakyan nuong araw ng Linggo sa Silang, Cavite matapos mapaulat na nawawala nitong Sabado.
Sinabi ni Fajardo na bagaman walang indikasyon ng kidnap for ransom, tinitingnan ng Pulisya ang lahat ng anggulo sa pagkawala ni Fr. Peregrino tulad ng kung ito’y may kinalaman sa kaniyang bokasyon o di kaya’y sa pulitika. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)