Hinimok ng anak nang pinaslang na aktibistang si Jory Porquia si Justice Secretary Menardo Guevarra na hayaan ang inter agency task force on extra judicial killings na mag-imbestiga sa nasabing kaso.
Magugunitang si Porquia, coordinator para sa Bayan Muna Party List ay pinaslang noong April 30, 2020 sa kaniyang inuupahang bahay sa Iloilo City ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Ayon kay Lean Porquia, anak ng aktibista, hindi sila nakunsulta o nilapitan man lang ng anumang team ng mga otoridad na nag-iimbestiga umano sa kaso ng kanyang ama na patunay na ayaw ng mga itong maresolba ang krimen o matukoy ang sangkot dito at panagutin ang mga ito.
Ipinabatid ng batang Porquia na bago nasawi ang ama inanunsyo ng mga local police sa radyo na isasailalim sa surveillance ang kanyang ama.
Dahil dito umaapela ang pamilya Porquia sa DOJ para pabilisin ang imbestigasyon sa kaso at pasagutin ang gobyerno sa mga alegasyon ng extra judicial killings.