Umaapela ng katarungan ang pamilya ng pinaslang na mamamahayag na si Jesus Malabanan.
Ayon kay Jason, hindi lamang ang mga pumatay sa kanyang ama ang nais nilang managot sa batas maging ang mastermind sa krimen ay dapat makulong.
Kapwa iginiit din ng National Union of Journalist of the Philippines at Committee to Protect Journalist ang agarang pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Malabanan.
Dakong ala-6 ng gabi noong Martes nang barilin ang biktima sa ulo habang nanonood ng telebisyon sa kanyang tindahan sa Calbayog City, Samar.
Si Malabanan ay Correspondent ng Manila Standard, The Manila Times, Bandera at naging Stringer para sa Reuters.
Naging malaki rin ang kontribusyon ni Malabanan sa Reuters Team na nanalo ng Pulitzer Prize matapos ang serye ng mga pag-uulat hinggil sa drug war ng gobyerno noong 2018.