Umalma ang pamilya Ortega sa naging pahayag ni President Elect Rodrigo Duterte sa isyu ng Media Killings.
Ayon kay Mika Ortega, napatay ang ama niyang si Doc Gerry Ortega para ipaglaban ang Social Justice matapos manindigan laban sa pagmimina sa Palawan.
Sinabi ng batang Ortega na pinaslang ang ama niya dahil ibinunyag nito ang mga katiwalian sa Provincial Government kabilang ang maling paggamit ng Malampaya Funds.
Dahil sa naging pahayag ni Duterte, inihayag ni Ortega na pagdududahan ng publiko ang motibo sa pagpaslang sa lahat ng mga mamamahayag kabilang yung mga nagsasabi ng totoo.
Una nang inihayag ni Duterte na dapat lamang mapatay ang ilan sa mga mamamahayag
Kasabay nito, Hindi patas ang naging pahayag ni President Elect Rodrigo Duterte hinggil sa mga napaslang na Mediamen.
Binigyang diin ito ng NPC o National Press Club kung saan kabilang sa mga napaslang si Environmentalist Doc Gerry Ortega at mga mamamahayag na biktima ng Maguindanao Massacre.
Tulad ng mga pulitiko, sinabi ng NPC na batid nilang may mga Mediamen na sangkot sa korupsyon subalit dahil naman ito sa Culture of Impunity at hindi ito makatuwiran.
Ayon pa sa NPC, wala pang nabibigyan ng hustisya sa mga napaslang na kasapi ng media sa huling Anim na taon.
Mas malakas anila ang loob ng mga nagtatangka sa Media at tiyak na mas dadami pa ang mga insidente nang pagpaslang sa mga ito dahil sa nasabing pahayag ni Duterte.
By: Judith Larino