Patuloy na sumisigaw ng hustisya ang pamilya at mga kaibigan ng pinaslang na radio broadcaster na si Dindo Generoso sa Dumaguete City.
Ito ay kasabay ng paghatid sa huling hantungan kay generoso noong Sabado, Nobyembre 16.
Dumalo rin sa libing ni Generoso ang mga kasamahan nito sa radyo na nananawagan ding matigil na ang mga insidente ng pagpatay sa kanilag mga kabaro sa media.
Magugunitang noong Nobyembre 7 nang pagbabarilin si Generoso habang patungo ng pinagtatrabahuhang istasyon ng radyo.
Tatlo (3) sa mga suspek kabilang ang gunman na si Patrolman Roger Rubio ang nasa kustodiya na ng pulisya habang patuloy namang pinaghahanap ang isa pang suspek na si Tomasino Aledro.